Sa pagpapatuloy ng pagbibigay saya at Ligaya sa mga Dabarkads. Pinakilala nila ang bagong pamilya na sina Mommy Jowzy, Ellen, Daddy Ethan, Lola Belen, Brad at ang Bagong Dabarkads na si ATASHA MULACH!
Ang Gimme 5 ay segment na kung saan ay huhulaan ang mga topic na mula sa TAO, BAGAY, HAYOP O PANGYAYARI. Dito ay kailngan nila pumili ng paksa na kailngan nilang hulaan at magbibigay sila ng 5 sagot sa napili nilang categorya! Pati ang mga nasa tahanan ay patuloy na nagagalak at nakikihula na rin.
ANG ATING BAGONG E.A.T LEGIT DABARAKADS AY SI ATASHA MUHLACH!
Si Atasha Muhlach ay anak ng sikat na artista na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Siya ay ipinanganak noong November 5, 2001, Ipinigdidiwang nya ang kaniyang kaarawan kasama ng kaniyang kambal na si Andres. Sila ang kambal na anak nina Aga at Charlene.
Ang kanilang pamilya ay isa sa pinakamatagal na endorser ng isang kilalang Fast food chain sa Buong Bansa, Dito unti-unting nakilala si Atasha sa mundo ng showbiz. Ipinangako ni Atasha sa kaniyang mga magulang na ito ay makakatapos muna ng kaniyang pag-aaral bago nito pasukin ang mundo ng pag-aartista.
Kamakailan lang ay nagtapos si Atasha Muhlach sa degree na Bachelor of Arts in Business with Honor sa isang kilalang unibesidad sa London.
“NTU has thoughts as students on how to adapt and be resilient during these challenging times, which makes me excited and it is just the beginning of a new journey for us all,” pahayag ni Atasha sa kaniyang graduation speech.
Kasama sa kaniyang talumpati ang kaniyang pamilya na kaniyang naging inspirasyon sa pag-aaral.
“More importantly thank you to our families for providing endless support and believing in us to achieve our goals and dreams,” dagdag pa niya.
Tinapos nya ang kaniyang speech sa pagbibigay ng inspirasyon sa bawat estudyante na kasama niyang nagtapos.
“Embrance new opportunities and fearlessly face challenges that come our way knowing that we have the capability to do anything we set our mind to.”
Mga Legit Dabarkads! Patuloy nating suportahan at panoorin kasama ng bagong miyembro ng pamilya ng E.A.T si Atasha Muhlach.