Mga Kaganapan sa 1st press conference ng Tito, Vic & Joey kasama ang mga orihinal na Dabarkads (Part 1)

 


Nagkaroon ng unang press conference ang mga legit dabarkads noong June 20, 2023, ika-4 ng hapon upang sagutin ang lahat ng mga katanungan at magkaroon ng contract signing

Kasama rito ang mga big bosses ng TV5 na sina Chairman of the Board, PLDT Inc na si

Manuel V. Pangilinan, ang President & CEO, MediaQuest Holdings, Inc & Cignal TV, Inc. na si Jane Jimenez –Basas at ang President & CEO, TV5 na si Guido Zaballero

Narito ang mga kaganapan sa nasabing press conference:

1. Opening Remarks and Warm Welcome ni MVP sa TVJ at Legit Dabarkads. Nag-announce din siya na may contract signing sila at umaasa din si Mr. MVP sa long-term agreement.

2. Nagsalita din si Ms Jane Jimenez na umaasa siya sa beautiful friendship at fruitful partnership. Nangako din siya na mamahalin ng dabarkads ang kanilang bagong tahanan.

3. Sumunod na nagsalita si Tito Sen at nagpasalamat siya sa pagtanggap sa kanila. Nagpapasalamat din siya management ng Media Quest, Cignal TV at TV5. Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagpapaabot ng kanilang suporta. “Samahan ninyo kaming magsimula sa aming bagong tahanan, ang kapatid network ang TV5,” dagdag pa niya.

4. Nagsalita naman si Joey na bagamat natalo si Tito Sen sa pagtakbo bilang Bise-Presidente, nakuha niya naman daw ang puso ni MVP.

5. Ipinalabas ang mga video clips na naglalaman ng mga sandaling nakatapak ang mga dabarkads sa TV5 na sinundan ng mga photoshoot at interview.

6. Naikuwento ni Pinoy Henyo master Joey De Leon na wala pa daw si MVP sa TV5 nasa Channel 5 na daw siya kaya hindi na daw bago sa kanya ang magtrabaho sa channel na ito pero ang pananabik daw ang parang bago ulit sa kanya

7. 8 years anniversary na rin ni Maine Mendoza sa showbiz at sa Eat Bulaga noong June 20 kaya nagkwento ng maikli si Menggay at nagpasalamat sa lahat kasama ang Tito, Vic & Joey.

8. Nagsalita naman ang President & CEO ng TV5 tungkol sa Official Announcement ng ABS-CBN sa paglipat ng channel ng It’s Showtime sa Free to Air Channel na GTV under GMA-7. Ayon sa kanya, at the end of the day, ang mga masa pa rin ang panalo at ang mga nangyayare daw ay katunayan na ang TV is alive.

9. Ayon pa kay Mr. Guido, dadami pa daw aniya ang magiging viewers ng TV5 at nasasabik din sila makatrabaho ang Tito, Vic & Joey. At kapag dumami na ang viewers ng TV5, “it will be good for both of their businesses” saad niya.

10. Nagkwento rin si Ms. Jane kung paano nagkaroon ng usapan ang TVJ at ang TV5. Nakatanggap daw ng letter ang MediaQuest kung open sila for discussion. Magkakaroon pa daw ng ibang projects ang TVJ production at TV5.

11. Magkakaroon pa daw ng maraming sopresa ang mga legit dabarkads. Magkakaroon daw ng enhancement ang mga segments at madadagdagan pa ng new portions ayon kay Tito Sen.

Tiyak na muling susuportahan ng maraming dabarkads sa buong mundo ang pag-ere muli ng Tito, Vic & Joey sa July 1 mula 11:30 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad