Opisyal ng tumiwalag sina Tito, Vic & Joey sa TAPE, Inc!
Kasunod ang mga kaganapang ito, gumawa ng courtesy letter ang iba pang Host ng Eat Bulaga na sina Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo at Allan upang ipabatid sa management ng naturang production company ang kanilang pag-alis na rin.
Dahil dito, lumutang na ang ilan sa mga bagong host ng programa sa pag-ere muli nito sa television. Ayon sa source ni Abante Entertainment editor/columnist Jun Lalin, sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, at ang dating miyembro ng Tropang LOL na si Alexa Miro.
Masasaksihan din umano si Kuya Kim tuwing Sabado lamang dahil sa iba nitong programa mula Lunes hanggang Biyernes.
Matatandaan natin na hanggang 2024 pa ang kontrata ng TAPE, Inc. sa Eat Bulaga! Sinisikap diumano ng TAPE, Inc. na magpalabas ng hindi replay dahil sila ang may hawak ng Block Time slot ng GMA 7.
Sa kasalukuyan, wala pa namang may nagkumpirma, pero ang ilan sa mga pangalang kinakausap umano ay sina Gabbi Garcia, Chariz Solomon, Archie Alemania, at magkakapatid na Mavy at Cassy Legaspi.
Pero may nagsa-suggest daw na magandang lineup na kasama ni Archie sina Paolo Contis at Joross Gamboa.
Sa kabilang dako, nagbababala naman si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa TAPE Inc. at sa mga Jalosjos na sisingilin nila ito kapag ginamit ang logo at jingle ng “Eat Bulaga” sa muling pag-ere ng programa sa GMA kaugnay sa interview ng DWIZ nitong Sabado.
Ayon kay Tito Sen, sila lamang ang may karapatan na gumamit nito dahil si Joey De Leon ang nag-imbento ng Eat Bulaga habang si Vic Sotto naman ang bumuo sa jingle nito.
Bilang epekto ng mga nangyayaring girian ng dalawang panig, may mga kompanya nang kinakansela ang kanilang advertisement sa noontime show ayon sa pahayag ni Tito Sotto.
“Kaya ‘yung dialogue na nalulugi, ngayon pwede na nilang sabihin (na lugi) kasi pagkakaalam ko, nung gabi, itinawag sa akin nung kaibigan ko sa ad agency, dami daw nag-pullout, nag-cancel ‘yung mga parating na mga ads nila,” saad ni Sotto.
Nag-post kumakailan lamang ang matagal ng nag-aadvertise na Puregold ng kanilang suporta sa Tito, Vic & Joey na ikinatuwa ng maraming legit dabarkads.
Sa isang pahayag naman ni Ogie Diaz, isang source aniya ang nagsabi na handa ang TV5 na sila na mismo ang mag-produce ng programa para sa TVJ.
“Nakarating din sa atin, hindi ito confirmed… na ang producer na ay ang TV5,” dagdag pa ni Ogie.
Tanung tuloy ng fans ng It’s Showtime kung ano na mangyayare sa timeslot nito. Ayon sa ibang report, posibleng mailagay sa late afternoon timeslot ang ‘It’s Showtime’ bago ang primetime newscast ng TV5 na ‘Frontline Pilipinas’ kung matutuloy ang mga nasagap na balita.