Tito, Vic & Joey, nagsalita na tungkol sa isyu!

 


SA WAKAS!


Nagbigay na ng pahayag si dating Senate President at Eat Bulaga Pillar na si Tito Sen ukol sa mga isyu na patuloy na lumalagablab sa diumano paglipat ng Eat Bulaga sa ibang TV Network at ibang producer.

Ito ay kumakailan na nangyari matapos ang sunod sunod na panayam sa harap ng media ni Chief Finance Officer Mayor Bullet Jalosjos ng Tape, Inc. Matatandaan natin na ang Tape, Inc. ay kasalukuyang producer ng Eat Bulaga na nagpapasweldo at nagbibigay ng mga papremyo.

Hindi nagustuhan ng Tito, Vic & Joey ang mga wika ni Mayor Jalosjos dahil diumano walang katotohanan ang ilan sa mga ito.

Ayon kay Senator Tito Sotto, nagbago na aniya ang composition ng TAPE simula noong inanunsyo ni Tony Tuviera ang opisyal ng kanyang pagreretiro noong February 2023 sa isinagawang General Assembly. Simula aniya noon ay naging aktibo na rin ang board of directors at high officials ng TAPE sa pakikialam sa mga staffs at programa ng Eat Bulaga.

Anila, nais ng TAPE na magkaroon ng transformation, re-invent at re-branding upang makasunod ang Eat Bulaga sa mga pagbabago.

Nagkakaroon din daw aniya ng credit grabbing at iba pang anunsyo na ikinagulat ng maraming empleyado ng Eat Bulaga katulad ng pagbabawas ng mga tao at pagbaba ng pasahod sa mga ito dahil diumano ay nagkakaroon ng financial problems at funding ang naturang producer.

Hindi rin ito nagustuhan ni Tito, Vic & Joey dahil marami na raw ang mga empleyado na tumagal na ng 30-35 na taon kaya binasag na nila ang kanilang matagal na pananahimik tungkol sa mga kumakalat na bali-balita at isyu.

Ayon kay Tito Sen ay kataka-taka kung bakit nagkakaroon ng financial problem gayunpaman ay umaabot sa 213 million ang net profit ng TAPE noong taong 2021 base sa report na kanilang nakuha sa Securities and Exchange Commission. Matatandaan din aniya na umabot sa 400 million ang kita ng Eat Bulaga sa Political Ads noong 2022.

Ayaw din itong paniwalaan ni Tito Sen dahil sa matagal na hindi pagpapasweldo kay Joey at Vic Sotto ng TAPE na aabot na raw sa mahigit 30 million.

Ayon pa kay Tito Sen, wala raw pagmamay-ari na portion o segment sa Eat Bulaga ang TAPE dahil ito ay binuo at ginawa ng TVJ at ni Tony Tuviera.

Nagbigay pa ng payo sa isang panayam si Tito Sen kay Mayor Bullet na magingat sa mga binibitawang mga salita dahil matanggal na raw nagtitimpi ang Tito, Vic & Joey.

Idinagdag pa nito na ang Eat Bulaga ay pagmamay-ari ni Joey De Leon, Vic Sotto at Tito Sotto kung pag-uusapan ang copyright issues at kung ito ay iaakyat sa korte dahil ang pagmamay-ari lamang ng mga Jalosjos ay ang Tape, Inc.

Hindi rin daw pagmamay-ari ng Tape, Inc. ang APT studio dahil ito ay pagmamayari ni Tuviera na pinangutang niya pa ang pambili.

Naibahagi rin sa isang panayam na masama ang loob ng Tito, Vic & Joey dahil hindi anila sila nabigyan ng shares sa Tape, Inc. kahit nagkaroon ng utang sa TVJ ang dating producer ng Eat Bulaga na Production Specialist at ipinangakuan pa raw sila nito.

Ayon pa kay Tito Sen, iniiwasan nila na pasukin ng politika ang Eat Bulaga dahil nais nilang manatili na Entertainment show ito.

Sa kasalukuyan, binigyan na ng offer ng ibang producer na BrightLight Production ang Tito, Vic & Joey at maraming dabarkads ang naghihintay sa mga susunod na balita.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad