Bossing Vic Sotto and Joey De Leon, unang guest ni Tito Sen sa bago nitong programa sa Net 25.

 

 
        Kinagiliwan ng maraming netizen at dabarkads ang hitik sa impormasyon at masayang usapan ng TVJ o (Tito, Vic at Joey) sa pilot episode ng public affairs show na Reality Check sa TV station na Net 25.

        Sa pagsisimula ng programa, ipinarinig ang awiting “Magkaisa” na binuo ni Vicente Tito “Sen” Sotto III noong 1986 sa kasagsagan ng People Power Revolution sa EDSA.

        Ayon kay Tito Sen, ito na ang ika-12th television show niya kasama ang sikat na noon-time na Eat Bulaga. Ginunita ng TVJ ang maliit na pagsisimula ng Eat Bulaga sa panahong kasabayan pa nila noon ang sikat na noon-time na “Student Canteen” na ito rin ang isa sa mga pinagmulan ng kilala natin sa kasalukuyan na TVJ.

        Mula doon, inialok ng mahusay na director na si Tony Tuviera sa tatlo kaya ipinanganak ang longest running noon-time na Eat Bulaga. Ngunit sa pagsisimula ng programang ito, hindi naging madali para sa kanila dahil malimit silang walang sweldo dahil sa napakahinang ratings na natatanggap nila.

        Magkakasama na ngayon sina Tito, Vic at Joey sa Net 25. Nauna na si Joey De Leon na may programang “Oh No, It’s BO” at si Vic Sotto naman na may “Love, Bosleng and Tali.”

        Nagbigay ng maikling mensahe sina Pops Fernandez, Wally Bayola at Jose Manalo upang magbigay ng reality check kay Tito Sen. Si Pops Fernandez ay isang mahusay na singer na nadiskubre ni Tito Sen dahil inaanak ito ng kanyang asawa na si Helen sa mga panahong naghahanap ng bagong singer ang Eat Bulaga. Habang nagbigay naman ng patotoo sina Jose Manalo at Wally Bayola kung anong klaseng tao si Tito Sen pagdating sa trabaho sa Eat Bulaga.

        Ipinaalala ni Tito Sen ang kanyang unang public service show na pinamagatang “Brigada Siete” na ang director ay si Toni Tuviera na kung saan ang mga nakasama niya ay ang mga kilalang mamamahayag sa kasalukuyan katulad ni Jessica Soho, Arnold Clavio, Luchi Cruz-Valdes, Karen Davila, Jay Taruc, Kara David at marami pa.

        Ayon kay Tito Sen, hindi nagkakaiba ang pagpasok sa Showbiz at sa pagiging public servant dahil inaalam at kinukuha mo pareho ang pulso ng taumbayan.

        Naghatid ng maikling mensahe sa programa ang kanyang anak at kasalukuyang Vice Mayor ng Quezon City na si Gian Sotto at ang kanyang kaibigan na si Former Senator Gringo Honasan.

        Simula noong naging senador ng 1992, umaabot na sa 255 na ang batas na nagawa ni Tito Sen na siya ang may pangunahing may-akda o siya ang pangunahing nag-sponsor. Karagdagan pa niya, apat pa lang noon ang city sa Metro Manila pero dahil sa tulong niya ay naging 17 cities at municipalities na ito ngayon.

Narito pa ang ilan sa mga naiambag sa bayan na Tito Sen,

1. Naging Senate President si Tito Sen noong 2018 hanggang 2022.

2. Si Tito Sen ang naglagay ng Cyber Crime Provision sa Cyber Crime Prevention Act of 2012.

3. Isinabatas niya ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

4. Naipasa niya ang Bayanihan Act 1 & Act 2 noong panahon ng pandemic.

5. Siya din may akda na magkaroon ng free medical scholarship ang mga doctor ng bayan.

6. “Never Absent and Never Late”, yan daw aniya ang pagkakakilala sa senador.

        Ayon kay Bossing Vic, malaki aniya ang naging impluwensiya sa kanya ni Tito Sen bilang kapatid sa larangan ng musika, pakikipagkapwa-tao at pagiging mapagpakumbaba.

        Wika ni Ms. Helen na kayang asawa, isang taong mapagmahal, maalalahanin at may good sense of humor na tao ang kanyang kabiyak.

        Dagdag naman ni Ciara Sotto, isang mapagkakatiwalaan, maaasahan at laging handing tumulong ang kanyang ama.

        Saad pa ni Vic Sotto, si tito sen ang nagsisilbing mentor ng mga kaanak nila na gustong magsilbi para sa bayan.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad