Nakita ng isang Britain ang true love sa isang Filipina matapos ikasal ng 8 beses

 


        “I just wish we had met earlier, but I am just so happy now. Marriage is all down to the person, and this is real love"

        Ito ang saad ng isang Britain na si Ron Sheppard sa isang news website sa United Kingdom matapos niyang ihayag ang kanyang kasiyahan sa mahigit isang dekadang anibersaryo ng kasal nila ng Filipina na si Weng na isang student nurse.

        Ito na ang ika-8 beses na ikinasal si Ron dahilan para tanghalin siyang “Britain’s most married man”. Dahil sa marami niyang karanasan sa kasal, nakabuo din siya ng isang libro na may pamagat na “The Lord of the Wedding Rings”.

        “This time it is true love. When I met her I couldn’t eat or sleep, I had never had that feeling in my life before. Saying ‘I do’ I felt I totally meant it”, wika ni Ron. “I didn’t really love the others, it was a friendly love, no love from the heart. With Weng, it is like a honeymoon every day. We just get closer and closer”, dagdag pa niya.

        Ayon pa sa kanya, ito ang unang pagkakataon na nasabik siyang ikasal. Bumili siya ng pinakamahal na wedding ring na nabili niya sa buong buhay niya na nagkakahalaga ng £200. Nabilhan daw naman niya ang iba niyang naging asawa ng engagement ring pero kasama daw niyang pinili ito kasama sila at nanggaling ito sa Argos and Woolworths.

        Matapos ang pambabatikos na ginawa sa kanya ng ibang tao, dinepensahan niya ang kanyang sarili na ginawa niya ang tama dahil pinanindigan niya ang lahat ng kanyang partner:

        “I have never been one for casual sex and flings. A lot of people will have eight partners – I have done the right thing by marrying the women.”

        Natutunan ni Ron na ang kalimitang naging problema niya sa kanyang mga naging asawa ay ang pinansiyal na aspeto. Naranasan niya na maging mahirap ang buhay.

        Isa sa mga dahilan kung bakit lumulusong agad siya sa pagpapakasal ay ang isipan na hindi siya iiwanan at hindi na siya magiisa:

        “I rushed into the marriages because I did not like being alone. I couldn’t bear it. I wanted love and comfort and understanding. I thought if we married they would not leave me.”

        Bagamat hindi naging maayos ang mga unang pagkakataon na nagkasama silang dalawa ni Weng dahil sa pambabatikos ng mga tao at ng DJ sa radio, pinatunayan niya pa rin sa mga tao at sa kanyang asawa na mali ang isipan nila sa kanya:

        “I am very attentive, I bring her flowers and chocolates. I didn’t do that in my other marriages.” 

         Si Ron ay may Parkinson’s disease kaya napagusapan nilang dalawa magasawa ang sperm bank at adopting upang mas maging masaya ang kanilang pagsasama.


Source: Mirror
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad