Black is beauty.
Iyan ang pinatunayan ni Anok Yai matapos siyang maging isa sa mga kauna-unahang black model na nagbukas ng Prada show pagkatapos ni Naomi Campbell noong 1997. Marami pa siyang naging kampanya sa fashion na nagtagumpay pa dahil sa pagkakaroon ng bagong mukha sa industriya. Dahil dito, idineklara siyang isa sa “top 50” model ng model.com
Ayon sa Wikipedia, siya ay nadiskubre noong October 2017 dahil sa homecoming week ng Howard University. Isang professional photographer ang kumuha ng kanyang larawan at ito ay nai-post sa Instagram. Umabot ng mahigit sa 20,000 likes sa loob ng isang araw ang picture ni Yai dahilan para maraming modeling agency ang kumontak sa kanya. Nagsimula ang kanyang karera sa Next Model Management.
Matapos ang kanyang mga sunod sunod na Prada runway show, nagbukas pa ang maraming mga oportunidad kay Yai katulad ng sa Nike. Siya ang nailimbag sa mga editorials katulad ng British Vogue, Dazed, V Magazine at AnOther Magazine at siya rin ang naging cover issues ng Vogue Italia, CR Fashion Book at W Magazine ayon sa BOF (Business of Fashions).
"It was an honour and I'm proud that I was the one chosen to open, but this is bigger than me. Me opening for one of the top fashion houses is a statement to the world - especially for black women - that their beauty is something that deserves to be celebrated," panayam kay Yai sa Vogue Shows na isa sa kanyang mga naging proyekto.
Si Anok Yai ay ipinanganak sa Cairo, Egypt at sa edad na 2 gulang ay lumipat sila ng kaniyang pamilya sa Manchester, New Hampshire. Upang maibigay ang kanilang pangangailangan sa araw araw, nagtrabaho ang kanyang ina bilang nurse habang ang kanyang tatay ay nagtrabaho sa Easterseals.
Upang matupad ang kanyang pangarap na maging doktor, siya ay nagtapos sa Manchester High School West at pumasok sa Plymouth State University upang magaral naman ng biochemistry ngunit ipinagpatuloy niya na lamang ang pagmomodelo.
