Nagmahal.Namatayan. Naghiganti. Sinira ang bundok
Ito ang apat na salita na makakapagbuod sa nangyari kay Dashrath Manjhi na taga Bihar, India matapos niyang sirain ang bundok sa loob ng 22 taon upang maging daanan ng mga tao sa gitna ng Atri at Gaya town dahilan upang mapaikli sa 15 kilometro ang dating 55 kilometro na kanilang paglalakbay.
Napagdesisyunan ni Dashrath na ibuhos ang kanyang mahigit sa 2 dekada ng kanyang buhay
sa paggawa ng kalsada matapos mamatay ang kanyang asawa sa pagkahulog sa bundok at sa 55 kilometrong layo ng ospital mula sa kanilang tahanan. Sinisi ni Dashrath ang bundok kaya ito ay kanyang sinira upang mapaiksi ang byahe ng mga tao sa kanilang lugar at wala ng maulit na ganitong pangyayare.
Ayon sa Wikipedia at oneindia.com, gamit ang martilyo at chisel lamang ay nakagawa si Dashrath ng daanan na may 110 m haba (360 ft), 9.1 m (30 ft) lawak at 7.7 m (25 ft) lalim sa kahabaan ng bundok. Naging lakas niya ang memorya ng kanyang asawa kaya kahit hindi siya pinagkakatiwalaan at binabatikos ng mga kalugar nila ay naging buo ang kanyang desisyon upang gawin ito kahit ang kanyang kinakain na lamang niya sa araw araw ay maduduming tubig at mga dahon.
Humingi pa ng tulong noong una sa gobyerno si Dashrath ngunit siya ay niloko ng mga tao sa paligid niya upang makuha lamang ang pera diretso lamang sa kanilang bulsa. Sumama din si Dashrath sa mga rally sa Delhin, India kaya napahinto pa siya ng ilang panahon sa paggawa ng nasabing daanan.
Hindi sinuportahan ng mga lokal na opisyal ng gobyerno ang kanilang adhikain na ito kaya pinaghuhuli sila Dashrath kasama ng ilang mga tumulong sa kanyang mga kalugar niya dahil sa naunang pagbabanta ng kanilang lokal na hindi sila pwede lumapit sa bundok. Tinulungan sila ng mga journalist na makalabas sa kulungan dahil sa ginawa nilang pagproprotesta.
Pagkatapos ng 22 taon ng pagtitiyaga ni Dashrath ay kinikilala rin ng gobyerno ang daanan na ginawa niya sa bundok noong 1982. Binigyan siya ng parangal sa New Delhi ng Chief Minister of Bihar, Nitish Kumar.
Noong 2006, isinama si Dashrath na nais bigyan ng Padma Shri Award sa social service sector habang ginawa naman siya ng indian post ng sariling stamp noong 2016.
Si Dashrath Manjhi ay namatay noong Aug 17, 2007 at tinawag ang kalsada ng gobyerno na "Dashrath Manjhi Path".