Paano kung ginusto ng mga namatay mong kaanak na magpakasal ka sa batang bata, papayag ka kaya?
Pumayag si Helen Shabangu, may edad na 62, na magpakasal muli sa 9 na taong gulang na si Saneie Masilela noong 2013 na isinagawa sa Ximhungwe in Mpumalanga, South Africa bilang pagrespeto sa kanilang mga kaanak na namapaya na.
Idinaos ang kanilang mga kasal dahil sa habilin ng kanilang mga matatandang kadugo na silang dalawa ay magisa kahit pa may limang anak na si Helen na ang edad ay mula 28 hanggang 38 taong gulang na at siya ay may asawa na si Alfred Shabangu na may edad noon na 67.
Ayon sa Independent.co.uk at sa iba pang website katulad ng mirror.co.uk, tinaguriang “World’s youngest groom” si Saneie Masilela na nagpakasal sa edad na 8 noong 2012. Muli niyang nakamit ang nasabing titulo noong 2013 dahil nagisang-dibdib muli sila sa bisa ng tradisyon ng south africa at upang maging ligal ito.
Maraming tao ang bumatikos sa kanilang ginawa ngunit nanindigan si Helen na suportado siya ng kanyang pamilya at hindi siya nahihiya sa kanyang ginawa, Ang kanyang asawang si Alfred ay dumalo din sa nasabing mga kasal upang masaksihan din ito.
"My kids and I are happy because we don't have a problem with her marrying the boy - and I don’t care what other people say.” pahayag ng bride. “It was nice celebrate with a wedding once more, it was after all a calling from the ancestors. By doing this we made the ancestors happy. If we hadn’t done what my son had asked then something bad would have happened in the family." dagdag pa niya.
Ang naging seremonya ng kanilang pagpapakasal ay tinatawag lamang ng kanilang mga pamilya na isang ritual o para sa pormalidad. Sa kabila nito, nagbigay pa din ng kabuuang halagang 1500 sa kanilang pera ang pamilya ni Saneie bilang pagsuporta.
Sa likod ng katotohanan na sila ay ligal na magasawa na, wala daw magbabago sa kanilang pakikitungo sa isat isa ayon kay Helen dahil hindi daw sila magsasama sa iisang bubong para magkaroon ng sariling pamilya.
"One day Sanele would grow normally and have family of his own and get married one day, all this ceremony is for making ancestors happy. We are playing.” wika ni Helen.
Nais din naman magkaroon ng sariling pamilya si Sanele sa babaeng magiging kasing-edad niya na.
"When I’m older I will marry a lady my own age. I chose Helen because I love her and, although we don’t live together all the time, we meet at the dumping site where my mother works regularly." saad ni Sanele.