Nakikita mo ba na maging asawa ang iyong alagang aso? Karamihan ang sagot ay HINDI.
Ganito rin ang isipan noon ng isang babae na nagngangalang Mangli Munda na nakatira sa estado ng Jharkland, India hanggang sa ipakasal nga siya ng kanyang mga magulang sa isang asong kalye sa bisa ng desisyon ng mga matatandang tao sa kanilang lugar sa kadahilanang ito ang naiisip nilang paraan upang hindi madamay sa sumpa ang kanilang buong pamayanan.
Ayon sa balita ng mirror at huffpost, ipinakasal si Mangli sa aso upang ito ang tumanggap ng masamang mangyayare sa kanyang lalaking mapapangasawa na pwede pang humantong sa kamatayan na pwedeng madamay pati ang mga tao sa kanilang lugar.
Upang masigurado umano ang magandang kapalaran, pumayag pa din si Mangli na magpakasal kahit siya ay hindi naging masaya sa seremonya. Wika niya, nais niya pa rin daw magpakasal sa isang lalaki. Ginawa lang aniya ito upang maipasa ang masamang espiritu sa aso.
"I am marrying a dog because the village elders believe that my evil spell will be passed on to the dog.” wika ng bride. "After that is done, the man I will marry will have a long life."
Ginawa ang kasal ng parang totoong tao ang groom sa pamamagitan ng isang tradisyonal na hindu wedding sakay sakay ang aso ng isang chauffeured limousine na may kasamang tradisyon na pagpapatugtog ng drums habang nanunuod ang kanilang mga kamaganak at mga kakilala.
"Apart from the fact that the groom is a dog, we followed all customs. We respect the dog as much as we would respect a normal groom," saad ng tatay ni Mangli na si Sri Amnmunda. "We had to spend money on this wedding in the same way as we would in a normal wedding. But that is the only way we can get rid of her bad luck and ensure the benevolence of the village." dagdag pa niya.
Ayon sa mga kinauukulan ng kanilang lugar, malaya pa si Mangali na magpakasal sa tao na hindi maapektuhan ang kanyang buhay at hindi nangangailangang makipag-divorce sa aso.
"I will marry a man one day. It is the dream of every girl to marry a prince charming. So I am also waiting for my prince." pahayag pa ni Mangli.
Si Mangli ay hindi nakapagaral at ang naging seremonya sa aso ay walang legal na pinanghahawakan ayon kay David Moye ng huffpost.