Babaeng ikinulong ng 26 na taon dahil sa pagibig

 


            26 na taon at 2 buwan

            Ito ang eksaktong itinagal ng pagkakakulong kay Blanche Monnier na taga Poitiers, Vienne, France, matapos magalit ang kanyang aristokrat na ina na si Louise Monnier dahil sa hindi pagsunod sa kanya sa pagdedesisyon kaugnay sa pagibig. Nais ni Blanche na pakasalanan ang isang matandang abogado ngunit hindi pumayag ang kanyang ina. Sa pagmamatigas ni Blanche, inilagay siya ng kanyang ina sa napakadilim na attic ng kanilang bahay

            Ayon sa isang journal article na inilathala nila Benjamin Ivry and AndrĂ© Gide noong 2003 at sa kanilang libro na nailimbag noong 1930, tinawag nila ang buhay ni Blanche Monnier na "The Confined Woman of Poitiers". Nakilala ng maraming tao ang nakakaantig puso niyang kwento.

            Nakilala si Blanche Monnier noon dahil sa pagiging respetado ng kanilang pamilya. Lumaki siya na isang tanyag na babae na nabibilang noon sa France na isa sa mga maharlikang pamilya. Siya din ay kilala sa natatangi niyang kagandahan dahilan kaya maraming mga lalaki ang nagnanais na mapangasawa siya. Napili niya ang isang abogado.

            Nais ng kanyang ina na diktahan siya sa nais niyang makasama sa buhay kaya napagdesisyunan nito na ikulong siya mula March 1, 1875 na tumagal hanggang May 23, 1901. Pinalabas ng kanyang ina na namatay si Blanche at naging pribado ang paglilibing sa kanya.

            Noong 1901, nakatanggap ng sulat ang Paris Attorney General mula sa hindi kilalang tao na nagbunyag ng kalagayan ni Blanche sa kamay ng kanyang ina na naglalaman ng ganito:

            "Monsieur Attorney General: I have the honor to inform you of an exceptionally serious occurrence. I speak of a spinster who is locked up in Madame Monnier's house, half-starved and living on a putrid litter for the past twenty-five years – in a word, in her own filth."

            Agad sumugod sa bahay nila ang mga pulis ang nakita nila ang matanda ng si Blanche na tumitimbang na lamang ng 25kg o 55lbs.

            Ayon sa report ng pulis, siya ay walang damit ng siya ay nakita at walang liwanag sa kanyang kuwarto. Punong puno rin daw umano ito ng mga panis ng mga pagkain at mga dumi ng tao. Napakadami rin daw ang mga insekto, mahirap huminga at lubhang napakabaho kaya di sila agad makapagsimula ng imbestigasyon.

            Ang kanyang ina na si Louise Monnier ay nahatulang nagkasala sa nangyare ngunit namatay din kalaunan makalipas ng 15 na araw.

            Kaagad namang isinugod sa ospital si Blanche ngunit siya ay nakaranas ng maraming mental health problems katulad ng anorexia nervosa, schizophrenia, exhibitionism, and coprophilia. Namatay si Blanche Monnier noong October 13 1913 sa edad na 64

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad