Isla ng San Juan.
Ito ang tawag sa islang pinaniniwalaang nawawala sa kasalukuyan na matatagpuan sa hilagang silangan ng Mindanao. Ang islang ito ay maaring makita sa mga lumang mapa ng Pilipinas noong 16th at 18th century na sinasabing kasinglaki ng Bohol at Panay.
Ayon sa mga naitalang kasaysayan, una itong tinawag ni Gaspar na isang cartegrapher na Isla ng San Juan. Sinundan naman ito ito noong 1601 matapos isama ni Antonio De Herrera y Tordesilla ang islang ito sa ginawa niyang mapa.
Sinundan pa ito ng apat na cartographer na sina Robert Dudley, isang Dutchman na si Jan Janssonius, Vincenzo Coronelli at si Jacques- Nicolas Bellin sa kanilang mga ginawang mapa na makikita ang isla ng San Juan.
Sa mapa na ginawa ni Christopher Middleton na pinamagatang “A New and Complete System of Geography” ay makikita ang Isla ng San Juan na ginamit noong 1778 hanggang 1780. Ayon kay Middleton, ang mga nakatira sa islang ito ay nagtataglay ng halos magkakaparehong tangkad at kulot ang buhok. Ang lugar ding ito ay pinaniniwalaan din niyang may mainit na temperatura.
Sa kasamaang palad, huling nakita ang isla noong 18th century sa mapang ginawa ng mga chronicles na sina Bravo at Buzaeta.
Pinaniniwalaan ng ilang antique map collector katulad ni Federico Aguilar Alcuaz at mga manunulat na ang isla ng San Juan ay tinamaan ng malakas ng lindol at nilamon ng karagatan dahil sa pagtaas ng tubig. Ayon naman sa kasaysayan, walang naitalang malalakas na lindol na naging sanhi ng pagguho ng mga isla at pagkawala nito sa mapa.
Ngunit binigyan ito ng linaw ni Carlos Quirino na isang historian sa kanyang librong isinulat na “Philippine Cartography Second Edition” na maaring mali lamang ang nagawang mapa noong 16th century at nagaya lang hanggang 18th century.
Ayon pa sa mga eksperto, ang pinaniniwalaang isla ng San juan ay ang isla ng Siargao. Nagkaroon lang anila ng pagkakamali na ang katawagang siargao ay naging San Juan.
Isang heswitang mapa naman ang nagpatunay na ang itinuturing na isla ng san juan ay ang isla Carolinas na matatagpuan pa sa western micronitian island cruise ng Palao at Sonsorol mula sa northeast corner ng Mindanao.
Samakatuwid, ang itinuturing na nawawalang isla ng San Juan sa mga lumang mapa ng Pilipinas ay itinuturing na isang pagkakamali lamang ng mga sinaunang tao na gumawa ng mapa ng bansa.
Source: Ayala Museum and Bulalordyt