Ito ang pinatunayan ni Frankielen da Silva Zampoli Padilha, 21 taong gulang, na nakatira sa Campo Largo, Brazil matapos siyang ideklarang brain dead habang nasa kanyang sinapupunan ang kambal na 9 na linggo pa lamang.
Nagkaroon ng matinding Celebral Hemorrage si Frankielen dahilan upang pumutok ang ugat niya sa kanyang utak na sinabayan pa ng stroke na naging rason upang bawian siya ng buhay.
Ayon sa Caters News at USA today, sinabihan ng mga doctor ng Nosso Senhora do Rocio Hospital ang asawa ni Frankilen na si Muriel, 24 na taong gulang, na malaki ang posibilidad na mamatay ang mga bata na kanyang dinadala dahil sa matinding trauma na naranasan ng kanilang ina. Kapag huminto na ang puso ng babae ay tatanggalin na rin ang artificial life support ng kanilang ina at idedeklara ng patay ang babae kasama ng mga sanggol.
Noong nagkaroon ng ultrasound, nagulat ang mga doctor dahil lumalaban pa din ang mga bata sa tiyan ng babae. Ayon sa pagsusuri sa katawan ng babae, malulusog pa kasi ang ilang bahagi ng katawan ng babae kaya nananatiling buhay pa ang mga bata.
Ito ang pinakamatagal na pinanatiling buhay ang isang brain dead na ina para sigipin ang kambal sa kanyang tiyan ayon pa sa Caters News.
Gumawa ng mga routines ang mga medical workers sa ospital katulad ng pagaalay ng kanta sa mga bata at paggawa ng hymn na para sa lamang sa mga sanggol. Pinalibutan ng mga pictures ang buong room ng babae at palagi din nilang kinakausap ang mga kambal sa tyan.
Napanganak ang mga bata sa pamamagitan ng cesarian therapy noong February 2017 at tinawag ang mga sanggol na “miracle twins”.
Ang batang babae ay pinangalanan nilang Ana Victoria na nagtitimbang ng 1.4 kg at ang lalaki naman ay pinangalanan nilang Asaph na may timbang na 1.3 kg. Naging immature babies sila kaya inilagay muna sila sa incubator ng 3 buwan.
“I’m so proud of my daughter,” pahayag ni Angela Silva, ina ni Frankilen, sa Caters News. “It’s been hard losing her but she was a warrior right until the end, protecting her beautiful children and giving them life until the day she finally died.”