“Trobiand Islanders have a relaxed approach to sex before and even after marriage. Girls learn about contraception very early and virginity has no value at all.” –ito ang pahayag ni Eric Lafforgue, na isang photographer, sa isang artikulo na inilathala sa Daily Mail (Mail Online).
Ang mga tao sa lugar ng Trobiand ay pwedeng magpapalit palit ng partner o asawa kahit ilang beses hanggang sa makita na nila ang taong nais na nilang makasama sa habambuhay.
Ang Trobriand Islands ay nasa Solomon Sea na bahagi ng Papua New Guinea. Ito ay isang probinsya ng Indonesia sa kanluran nito na napapaligiran ng Pacific Ocean, Bismark Sea, at Coral Sea.
Tinaguriang Island of Love ang lugar dahil usong uso sa lugar ang pagbayo kung kani-kanino kaya karaniwan na mayroong makikitang mga kubo na tinatawag na ‘bukumatula’ ang halos karamihan sa pamilya dito para doon nila isagawa ang mga ganitong gawain. Pero hindi sila nagkakaroon ng romantic na karanasan sa mga taga labas ng kanilang lupain.
Kahit pa marami sa kanila ang gumagawa ng mga ganitong bagay, ang mga sanggol na isinisilang ay pinaniniwalaan nilang nanggaling sa mahika at hindi sa pakikipagtalik at pagbubuntis ayon sa Daily Mail.
Padami naman ng padami ang mga komunidad na nagkakaroon ng kaso ng HIV at AIDS dahil sa tradisyon nilang ito Ito ang mga sakit na kinakatakutan sa lugar dahil alam nilang walang gamot ito pero ayon pa kay Lafforge, hindi pa raw ito sapat para matigil na ang kinalalikhan ng maraming tao dito.
'Despite the fact that HIV and AIDS spreads quickly through the island population, premarital sex remains a part of the islanders’ idyllic lifestyle,' wika niya.
Ayon naman kay LeonMata Tibi, nagaaral ang mga babae dito kung paano gumawa ng orasyon para mapaibig ang mga lalaki. Mayroon din aniya silang isinagawang “Yam Festival”. Sa pistang ito,ang babae ay maghahanap na ng mga mahuhuling lalaki. Dudukutin nila ang mga lalaki habang nakatago sa mga halaman. Pag ang lalaki ay tumanggi, tatanggalan ng babae ang lalaki ng kilay at pilik mata bilang simbolo ng kabiguan at papauwiin.
Sa kasaysayan, ang pangalang Trobiand ng lugar ay kinuha sa pangalan ni Denis de Trobriand na isang lieutenant ng barko na unang nakadiskubre sa lugar noong 1793.