Bansa na binibili ang mapapangasawa

 


            Nakakita ka na ba ng palengke na ang ibinebenta ay puro mga babae?

            Iyan ang makikita mo sa bansang Bulgaria na normal para sa mga magulang na ibenta ang kanilang mga anak kapag simula na itong tumapak sa edad na 17 taong gulang. Ito na ang kinamulatang tradisyon sa kanilang lugar dahil itinuturing na ‘investment’ ng mga magulang ang kanilang mga anak.

            Ang Bulgaria ay matatagpuan sa southern Europe at isa sa mga kinikilalang matatandang bansa sa Europa na naitatag na noon pang ika-7 siglo. Ang mga bansang nakapaligid dito ay Romania sa hilaga, Turkey at Greece sa timog, North Macedonia sa timog-kanluran, at Serbia sa kanluran. Ang Black sea ay matatagpuan sa silangan nito.

            Bride Market ang tawag sa lugar na kung saan nangyayare ang bentahan ng mga kababaihan. Anila, hindi daw pwedeng magkagusto ang mga babae sa lugar na ito dahil ang mga magulang nila ang magpapasya kung sino ang kanilang mapapangasawa.

            Ayon sa dokumentaryo na may pamagat na “Young Virgins as Bulgaria’s Controversial Bride Market”, kinakailangan na ang mga Kalaidzhi na babae ay dapat hindi pa nagagalaw ng ibang lalaki upang maging mataas ang presyo sa merkado. Karamihan, ang mga presyo ng bentahan ay umaabot ng $3000 pero mas lalo pang tumataas kapag mas maraming mga lalaki ang nagaagaw agaw sa paraan ng bidding.

            “It is very important because a lot of money is given for virginity. If the girl is not a virgin when you sell her, they will call us whores, sluts and disgraceful women,” pahayag ni Vera sa nasabing dokumentaryo.

            Ayon sa Inside Over, ang mga ikinokonsidera sa pagpapataw ng presyo sa mga babae ay panlabas ng kaanyuan: may magandang pananamit at mukha, may maputing balat, may kulay ang buhok at asul ang mata.

            Upang maalagaan ang mga anak na babae, hindi sila ipinagaaral ng kanilang mga magulang sa eskwelahan upang maiwasan na magkaroon ng kasintahan. Nakatatak sa isipan ng mga tao dito na ang mga babae ay dapat nasa bahay lamang, gumagawa ng gawaing bahay at nagaalaga sa mga anak at sa kanilang mga asawa.

            “The bride market is an ancient tradition essential to the Kalaidzhi identity, which is why this custom has survived, but these days most girls have an element of choice — albeit shaped by family pressure — when it comes to whom they wed”, wika ni Milene Larsson na isang documentary producer ng news.com.au.

            Samantala, ang mga babae na hindi nakahanap ng mapapangasawa sa bride market ay binibigyan ng permiso ng kanilang mga magulang na makabalik na sa pagaaral at makahanap na ng trabaho. Sa dulo, bibigyan na rin sila ng kanilang mga magulang na pahintulot na makapagnobyo na.


Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad