Naging makasaysayan at talagang pinaghandaan ang kanyang naging kasal matapos itong daluhan ng 70 na guests na may kasama pang bridesmaid. Nagsuot din siya ng puting dress at mayroon din siyang three-layer cake.
Sologamy. Ito ang tawag ng mga eksperto pag pinakasalan mo ang iyong sarili o self-marriage. Ang self-marriage ay unti unti na ring dumarami ang bilang sa ibat-ibang panig ng mundo. Ayon sa BBC news , ang naging seremonya sa pagpapakasal ni Laura sa kanyang sarili ay sinasabing walang ‘legal weight’. Ipinaliwanag na ang seremonya na nangyare sa kanya ay isang paraan ng pagpapakita ng self-love at acceptance.
Ayon naman kay Laura, naisip niya ang konsepto na pakasalan niya ang kanyang sarili noong siya ay 38 taong gulang. Siya ay 40 taong gulang ng pakasalan niya ang kanyang sarili.
Marami mga news media ang pumanayam sa kanya at isa rito ang La Repubblica newspaper. "I told friends and family that if I had not found my soul-mate by my 40th birthday I would marry myself," sabi ni Mesi.
"If one day I find a man with whom I can plan a future I'll be happy, but my happiness does not depend on him." dagdag pa niya.
Nagbigay ng malaking pansin si Laura sa kanyang karera sa buhay bilang fitness trainer at sa pagtulong sa kanyang pamilya kaya isang kasunduan ang kanyang ginawa sa kanyang sarili na siya ay magpapakasal sa edad na 40 para daw ang kanyang mapakasalan ay talagang nakatadhana sa kanya at para di siya masaktan.
Dumating naman ang panahon na may mga nanliligaw kay Mesi ngunit nilalayuan niya ito dahil ang naging isipan niya ay kaya na niyang paligayahin ang kanyang sarili na hindi na kailangan ng ibang tao.
Nang makita ng ibang mga tao ang kanyang naging kasal ay dali dali siyang nakatanggap ng pambabatikos at di magagandang salita pero sinagot niya ang mga ganitong komento sa mensahe niyang, "Single is the new normal. Celebrate your solo status!” at “"nothing and no-one can turn off my smile".
Umabot ng 8,700 euro o humigit kumulang na 400,000 pesos. Hindi pa kasama ang singsing na binili niya para sa kanyang sarili at honeymoon na kanyang isinagawa magisa sa Egypt.