Unang lalaki na nabuntis at nanganak

 


            Nabuntis at nanganak ang legal na lalaking si Thomas Beatie ng isang malusog na babaeng sanggol.

            Si Thomas ay mayroon ng dalawang anak na si Susan Juliette at si Austin Alexander sa kanyang misis na si Nancy Beatie.

            Ayon kay Nancy, sinabi ni Thomas sa kanyang asawa na gusto niyang maranasan na maging buntis para malaman niya ang nararamdaman ng ganito. Kumunsulta na rin sila sa mga eksperto para malaman pa ang mga bagay at kanilang mararanasan.

            Si Thomas Beatie ay isang transsexual na dumaan sa gender reassignment surgery sa kagustuhang maging legal na lalaki. Isinagawa niya ito upang mapakasalan niya si Nancy sa Hawaii. Tracy Lagondino ang pangalan niya noong siya ay babae pa.

            Ayon sa The New Daily, dumaan sa artificial insemination si Thomas upang mabuntis na nangangailangan ng semen ng ibang tao at ang kanyang egg cell. Tinatawag din ito ng ibang eksperto bilang IVF procedure

            Ang IVF o tinatawag na Vitro Fertilization ay isang pinakamabisang proseso upang magkaroon ng anak. Ang pamamaraan na ito ay maaring gamitin ang iyong egg cell at sperm cell ng iyong partner. Maari din itong mula sa mga egg cell, sperm cell o embryo ng isang kilalang donor o hindi nagpapakilalang donor. Bilang karagdagan, ang IVF ay maaaring maging matagal at mahal.

            Unang ibinalita ni Thomas ang kanyang pagbubuntis sa artikulo na may pamagat na ‘Labour of love’ na isang gay magazine advocated at kalaunan ay naipalabas sa US na Oprah Winfrey.

            Ayon sa mga panayam sa kanya, gusto na daw ni Thomas umayaw ng ito ay umabot na ng 8 buwan dahil sobrang sakit daw sa pakiramdam pag ang bata ay sumisipa na.

            “Different is normal and love makes a family. And that’s all that matters,” pahayag ni Beatie.

            Dahil sa pagbubuntis ni Thomas, ang kanyang misis muna ang gumagawa sa kanilang bahay ng mga gawaing bahay dahil nahihirapan siya.

            Naging tanung ng napakarami kung paano ito ilalabas ni Thomas. Cesarean ang naging treatment para sa panganganak dahil wala naman daw itong dadaanan palabas kung ito ay kanyang iiri.

            Naging successful ang kanyang panganganak at nagbunga ito ng malusog na sanggol at ngayon ay isa ng malaking bata.

            Dahil dito, ang panganganak niya ay nakakuha ng Guiness Book World of Record na kaisa-isang lalaki na nabuntis sa buong mundo.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad