Ito ang saad ng isang pari na nagkasal kila Linda Ducharme at sa isang amusement park roller coaster na nagngangalang Bruce. Ito ang kanilang pangalawang kasal matapos ulitin muli ni Linda ang kanyang wedding vow sa bakal na ito na ginanap sa Florida.
Ayon sa New York Daily News at Mirror news website, unang nagkita si Bruce at si Linda noong 1982 sa isang carnival. "I got this weird feeling I can't explain," pahayag ni Linda. "My heart was pounding as we went up the platform and got on the ride. I felt like I was being taken by this ride," dagdag pa nito.
Ipinalabas ang kasal nila Linda sa isang TV show na "What!?: Animism." Dito nanunuod ang mga karamihan sa mga nagtataglay ng kondisyon na tinatawag na “objectum sexuality,” o mayroong romantic relationship sa mga objects na nararamdaman din ni Linda.
Siya rin ang isa sa mga stars ng palabas na “My Strange Addiction” na ipinalabas sa TLC at dito niya binanggit ang iba’t ibang bagay tungkol kay Bruce:
"Some women like tall men, some women like men with a colorful personality, he's got all of that," wika ni Linda sa show. "To me, Bruce is just amazing when he stands up and is spread out," dagdag pa niya.
Upang maipakita niya sa kanyang asawang rollercoaster ang kanyang pagmamahal, siya ay kumakain kasama nito lalo pag mga dinner date at natutulog siya sa mismong rollercoaster.
Nang Makita ni Linda si Bruce noong 1982, agad siyang gumawa ng paraan para makapagtrabaho sa carnival. Kapag gabi, ito ay kanyang niyayakap at natutulog din siya sa gitna ng roller coaster kapag hindi na ito umaandar.
Noong 1986, ito ay nasira dahil sa kalamidad kaya kinailangan itong dalhin sa Wichita, Kansas para ipaayos.
"I was completely alone," ani ni Ducharme. "I felt that I was dying from the inside. I was very, very lonely."
Pagkatapos ng 25 taon nilang paghihiwalay, nabalitaan niya na nakabalik na si Bruce kaya agad siyang naglakbay ng mga 3,000 miles upang makita niya ang matagal niyang nawalay na pagmamahal.
Pinakasalan niya ang rollercoaster ride na ito para maipakita niya ang kanyang debosyon at pagibig dito.
"My goal is to spend the rest of my life and grow old with him," sabi ni Linda. "And eventually get a piece of land where we can just be all by ourselves."
Una ring nagkaroon ng romantic relationship sa isang eroplano matapos siyang naging piloto noon.
Sinundan pa ito ng panibago niyang pagibig sa isang locomotive train ngunit kalaunan ay natanggal siya sa kanyang pinagtratrabahuhan dahil nahuli siyang niyayakap ito.
Source: nydailynews at mirror
