Naghintay ang lalaking ito ng 20 taon para mapakasalan ang kanyang pre-school love

 


            Puppy love

            Ito ang karaniwang tawag sa mga taong nagmahalan noong mga kabataan nila na hindi naging seryoso kaya nagkahiwalay lang sa bandang huli pero ibahin niyo sina Matt Grodsky at Laura Scheel dahil pinatunayan nila na ang preschool love nila noon ay pwedeng umabot sa kasalan pagkatapos ng 20 taon.

            Ayon sa Instagram post ng The Way We Met, ikinuwento ni Matt ang kanyang mga naalala noong 3 taong gulang pa lamang kung paano siya nagtapat ng pagmamahal kay Laura sa harapan ng kanyang mga kaklase noong pre-school. Kasama niyang dineklara noon na balang araw ay papakasalan niya ito.

            “One of my very first memories is of being 3 years old and standing up in front of my pre-school class, declaring that I would marry her someday,” wika ni Grodsky.

            Isinalaysay din ni Matt sa Instagram post na yun kung ano ang mga di niya makakalimutang pangyayari sa kanilang dalawa ni Laura tulad ng paglalaro nila sa playground, pagguhit, kumain ng mga paborito nilang pagkain at paglalaro ng mga pambatang laro.

            “As kids, Laura taught me how to ride the swings, draw rolling hills, and the 'right way' to properly eat string cheese. We have fond memories of playing hide-and-go-seek, chasing after each other on the playground, and mischievously staying up during nap time,” ani pa niya.

            Dinagdag pa ni Matt na kung gaano kalaki ang pagnanais niyang makasama si Laura noon ay yun pa rin aniya ang nararamadaman niya hanggang sa kanilang paglaki.

            Ayon sa panayam kay Laura ng Huffpost, naalala niya aniya si Matt bilang isang "total goofball." “We did almost everything together. We would just have a blast together,” kwento pa ni Laura.

            Pagkatapos ng kanilang pre-school, nagkahiwalay ang dalawa dahil sa pinasukan nilang magkaibang paaralan noong elementarya kaya ilang taon silang nawalan ng komunikasyon. Nagkaroon ng pagkakataon para magkakonekta ulit sila noong sila ay pumasok bilang freshman noong highschool dahil sa tulong ng kanilang kaibigan.

            “I was hesitant to go out with him,” sambit ni Laura si Huffpost. “But he texted me and we hit it off.”

            Sa loob ng 2 linggo ay naging magkasintahan na sila at ang mga sumunod ay naging kasaysayan ng kanilang pagmamahalan.

            “We remained a resilient couple until May 23rd, 2015 when I decided to stay true to my preschool pledge and make Laura my wife. I proposed to her at the place it all began... our preschool classroom." pahayag ni Matt.

Sources: Huffpost and The Way We Met
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad