12 tips para iwas hack ang ating mga cellphone

 

                                                                                   Image from Pixabay: Michael Treu  and Dean Moriarty          


            Sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao ay gumagamit na ng gadget halos lahat mapamatanda o bata man. Habang paunlad ng paunlad ang teknolohiya, tumataas ang bilang ng mga taong naghahangad magkaroon ng mga ito tulad ng cellphone, computer, tablet at ibat-ibang kagamitan na nagsisilbing paraan para magkaroon ng komunikasyon, mabilis na pagsagap ng mga balita, at kahit sa larangan ng entertainment.

            Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng cellphone, marami na ring mga negosyo at kompanya ang pumapasok sa digital world para mas makilala pa sila ng taumbayan. Marami na rin sa atin ang gumagamit ng Online Banking o E-Wallet dahil isa ito sa pinakamabilis na gamitin para sa mga online transaksyon, pwede mo itong magamit sa pagbayad ng mga online shopping o sa mga monthly bills.

            Ang tanung ng karamihan, ligtas ba ang mga taong yakapin ang unti unting paglago ng teknolohiya? Paano tayo makakaiwas sa mga cyber theft o hacker? Narito ang 12 na paraan para ang ating mga cellphone ay maiwas sa mga hack:


1. Maglagay ng passcode

            Ito ang tinatawag natin na lockscreen password para mabuksan natin ang ating mga cellphone. Sa pagpili ng ating passcode, siguraduhin na hindi ito basta basta mahuhulaan at madali itong matandaan. Iwasang gumamit ng birthday, pin ng bangko, o pangalan pa iyan ng paboritong alagang hayop. Iwasan din ang paggamit ng fingerprints at facial recognition para mabuksan ang ating cellphone dahil pwede itong gayahin ng mga mapagsamantala.

2. Iwasang kumonek sa mga public wifi o wifi connections na walang password


            Napakadaling pasukin ng isang hacker ang ating cellphone kung nakakonek tayo sa mga public wifi. Hangga’t maari ay gamitin nalang natin ang ating sariling data connection sa ating mga cellphone. Kung nasa bahay lang naman tayo madalas, maaring magpakabit tayo ng wifi sa internet service provider. Kung tayo naman ay lalabas, magdala tayo ng sariling pocket wifi. Ngunit kung hindi talaga maiiwasan na kumonekta tayo sa public wifi o mga sa mga wifi connections na walang password, siguraduhin na tayo ay nakakonekta rin sa VPN o tinatawag na Virtual Private Network na app. Maraming ganito sa ating mga app store kaya libreng libre lang iinstall sa ating mga cell phone. Ikokonekta kasi tayo ng VPN sa encrypted connections para maging secure ang paggamit ng internet. Pero para mas maging ligtas tayo, iwasan pa rin ang pag-access sa ating mga bank accounts, e-wallets at iba’t ibang mahahalagang apps.

3. Siguraduhing updated ang operating system ng ating cellphone

            Kapag may lumabas sa ating mga cellphone na notification na kelangan na nating magupdate ng ating mga operating system, gawin natin ito. Mas madali para sa mga hacker na pasukin ang ating cellphone pag ito ay out-of-date na.

4. Siguraduhing may access tayo sa cellphone natin kahit malayo sa atin

            Sa oras na manakaw o mawala ang ating mga cellphone, dapat may sapat tayong alam para burahin ang mga detalye o laman ng ating cellphone. Kung ikaw ay naka-iPhone, maginstall sa iCloud ng “Find My Phone.” Kung ikaw naman ay naka-android, siguraduhing ligtas ang ating cellphone gamit ang ating Google account sa Android Device Manager.

5. Gawing pribado ang ating passcodes at mga passwords sa social media

            Huwag ipagsabi kung kani- kanino ang ating mga passcode at password dahil hindi natin alam kung hanggang kanino nila ito maikukuwento. Kapag nasa pampublikong lugar, tumingin muna sa paligid bago magbukas ng cellphone dahil baka may mga nakalagay na CCTV. Hindi natin alam kung hacker ba ang nasa kabilang banda na nanunuod noon.

6. Wag mag bukas ng mga emails kung galing sa mga taong hindi natin kilala

            Burahin agad ang mga emails lalo kung hindi natin kakilala ang nagsend ng email. Maaring maglaman ito ng mga links na pwedeng maging dahilan para mahack ang mga cellphone natin.

7. Magkaroon ng backup data


            Huwag ilagay ang lahat ng mga mahahalagang record o data sa cellphone natin. Siguraduhin na mayroon din tayong kopya sa external drive, desktop o laptop. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari kaya mas mainam kung mayroon tayong ibang backup. Meron na ring mga automated backup system sa panahon ngayon na pwede natin bilhin para sa pagiingat.

8. Mag-install ng mga anti-virus app sa cellphone

            Maginstall ng mga security software na pinagkakatiwalaan ng nakakarami o mababasa sa mga recommendations ng CNET at AV-TEST. Maraming mga pinagkakatiwalaang kompanya sa larangang ito katulad ng Norton, McAfee, Avast o Bitfenfer.

9. Siguraduhing ligtas ang naka-install na app

            Magbasa muna sa mga reviews ng Consumer Reports, Wired or CNET bago mag-download ng mga app. Mas lalong maging maingat lalo sa mga android phone dahil hindi lahat ng nakalagay sa google app store ay ligtas hindi tulad ng Apple na sobrang maingat.

10. I-off ang WI-FI, Bluetooth o Cellular Data pag hindi ito ginagamit

            Hindi natin sigurado kung gaano ka-advance mang hack ang isang hacker kaya para sa pagiingat, i-off ang mga ito. Mag-ooff lahat ng communication sa ating cellphone sa isang pindot lang sa airplane mode.

11. Huwag isalpak ang mga cellphone sa mga hindi trusted na USB ports.

            Iwasang magkonekta kung kani-kaninong mga computer o mga public USB charging ports katulad sa mga coffee shop o airports dahil pwedeng nakawin ng mga hackers ang mga personal information natin

12. Iwasang magpost ng mga personal information sa mga social media.

            Huwag ipost ang pinakakumpletong address natin sa social media. Pwedeng gamitin ito ng mga bihasang hacker sa pagnanakaw ng mga personal information natin.

            Huwag basta malibang sa paligid natin. Palaging magingat sa panahon natin na maraming mapagsamantala.


Source: Wikihow
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad