6 tips para maiwasan ang pagiging addict sa cell phone


                                                                                       Image by sik92 and simardfrancois

            Usong uso sa panahon natin ngayon ang paggamit ng cell phones. Naging bahagi na ito ng buhay natin dahil sa lahat ng ating ginagawa at pinupuntahan ay hindi nawawala ang mobile device. Kapansin-pansin din ang pagsikat ng iba’t ibang apps na dumagdag pa sa mga dahilan para mas lalong maging babad tayo sa paggamit ng cell phones. Marami tuloy ang nagkakaroon ng labis na paggamit nito na humahantong pa sa adiksyon.

            Ang labis na paggamit ng mga cell phones ay isang nakakabahalang bagay. Iba’t iba ang maaring maging epekto at komplikasyon nito sa tao. May iilan pa na nagkakasakit di umano dahil sa labis na paglalaro ng online games. Ang iba naman ay dito na umiikot ang buong araw dahil sa panunuod ng mga entertainment videos at pagkalikot sa kanilang mga social media. Paano nga ba malalabanan at matatalo ang adiksyon sa cell phones?

            Narito ang 6 na paraan para matalo ang ‘Addiction’ sa cell phones:

            1. Ilayo muna ang iyong mobile phone

            Umpisahan sa inyong sarili na i-off muna o i-silent mode ang inyong phone kapag nasa panahon ng trabaho, pagaaral, nasa loob ng kapilya o church at iba pang mga importanteng mga kaganapan tulad ng birthday ng inyong mahal sa buhay, nasa panahon ng pagkain kasama ang pamilya, nasa date kasama ang nobyo o nobya at iba’t iba pa para unti unting masanay ang ating mga sarili na hindi lagi nakadepende sa cell phone.

            2. Baguhin ang notification setting ng iyong cell phone.

            Para maiwasan ng laging pagsilip at paghawak sa cell phone kapag ito ay tutunog, ugaliing mag-silent mode at ugaliing i-off ng iyong social media accounts. Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang paggamit ng cell phone at mababawasan natin ang oras ng pagharap sa cell phones.

            3. Bantayan ang mga sarili sa oras na ginugugol sa paggamit ng cell phones.

            Gumamit ng mga application para mabantayan natin ang panahon natin sa cell phones. Mag-install tayo ng app katulad ng Checky, App Off Timer o QualityTime. Sa paggamit nito, pwede mong ilagay ang iyong target na oras sa paggamit ng mobile mo kada araw.

            4. Baguhin ang isipan tungkol sa paggamit ng cell phones.

            Gumawa tayo ng paraan kung papaano natin maitatatak sa ating mga isipan kung ano ang pinakagagampanang role lamang ng iyong cell phone. Ito ay para sa komunikasyon lamang o para sa edukasyon lamang. Maging malinaw sa iyo kung saang mga pagkakataon mo lamang ito upang hindi ka na dumepende palagi sa iyong gadget.

            5. Magtakda ng cell phone holiday.

            Maglaan ka ng mga panahon na kung saan ikaw ay lalabas ng iyong tahanan para makasama ang inang kalikasan lamang. Para mas makatipid, magplano ka ng mga aktibidad na hindi mo na kinakailangan lumayo katulad ng mga paggawa ng mga arts, pageehersisyo, pagaaral ng mga instrument o iba’t iba pa na makakapagpaunlad ng ating mga nalalaman o mga skills.

            6. Bigyan ang sarili ng reward kapag nababawasan mo ang paggamit ng cell phone.

            Ang ganitong paraan ay tinatawag na positive self-reinforcement na nakakatulong upang maging positibo ang resulta ng mga pagbabagong ginagawa natin sa ating mga sarili. Sa simpleng pagbibigay natin sa ating mga sarili na mga gusto natin makuha, gawin o bilhin, mas lalo tayong magpupursige para makamit natin ang ating mithiin.

Source: Wikihow

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad