Ngayon na nakakaranas tayo ng pandemya at marami pang lumalaganap na sakit, maraming mga protocols ang ipinapatupad sa iba’t ibang panig ng bansa. Mas lalong umiigting ngayon ang kampanya para mas lalo nating ingatan ang ating mga sarili.
Isa sa mga paraan na ginagawa ng marami upang maligtas pa rin ang kalusugan ay pag-gamit ng iba’t ibang disinfectants sa mga gamit lalo na sa mga gadgets katulad ng cell phone. Narito ang mga iba’t ibang paraan upang gawin ang tamang disinfection sa ating mga cell phones:
1. Punasan ang cell phone gamit ang malambot na microfiber na tela
May mga dumidikit na dumi sa ating mga cell phone na dapat ay matanggal muna bago magkaroon ng disinfection sa ating mga gamit. Kaysa gumamit ng tissue, gumamit na lamang ng microfiber na tela para maiwasang magkaroon ng scratches sa ating mga kagamitan.
2. Punasan ang mga case at cables ng phone gamit ang mga disinfectant wipes o tissue na may kaunting alcohol. Dapat mo rin silang i-disinfect dahil maari din silang pagkapitan ng mga mikrobyo o virus. Maari mo rin gamitin ang malalambot na tela sa pagdisinfect ng mga ito. Palagiin din magpalit ng inyong mga cell phone case hangga’t maari dahil mas mabilis itong makapitan ng virus. Siguraduhin din na natuyo ang case at cable bago gamitin upang hindi makasira sa ating mga cell phones.
3. Iwasang gumamit ng cell phones kapag nasa public comfort room o public places.
Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng contamination ang ating mga cell phones sa mga pampublikong lugar kapag ito’y ginagamit. Para maiwasan ito, maari mo itong ilagay sa mga sealable na bag o lagyan ng plastic o gloves ang ating mga kamay. Pagkauwi ng ating mga tahanan itapon agad ang ginamit na plastic o gloves at idisinfect kaagad ang ating mga cell phone.
4. Hugasan ang mga kamay bago o pagkatapos humawak ng cell phones.
Ang mga cell phone natin ay maaaring dapuan ng germs o virus sa ating paligid kahit tayo’y nasa ating mga tahanan. Ugaliin natin ang maghugas ng kamay lalo na sa ating panahon. Maghugas ng kamay bago kumain o sa tuwing humawak sa ano mang bagay.
5. Gamitin lamang ang mga mayroon na 70% alcohol o mga disinfectant wipes.
Sa tulong ng microfiber na tela o tissue, palagiin ang pagpupunas ng ating cell phone dahil makakatulong ito upang maging malinis ang ating cell phone at para matanggal ang mga nakakakapit na dumi o mikrobyo.
6. Mag-off muna ng device bago linisin.
Para maiwasan na masira ang cellphone at mapasukan ng moisture, i-off muna ang ating mga cellphones lalo na kung gagamit ng tela. Siguraduhing nasa tamang dami lamang ang gamitin upang hindi pumasok sa cellphone ang anumang fluid.

Souce: Wikihow