Lugar na kung saan ang matatabang babae ay pinagaagawan ng mga kalalakihan

 

            
            Matatabang kababaihan o mga babaeng may kabigatan ang kinagigiliwan ng mga lalaki sa bansang Mauritania, bansa sa atlantic coast ng Africa. Hindi maganda sa paningin ng mga lalaki sa lugar na iyon ang mga babaeng payat.

            Ang lupain ng Mauritania ay sinasakop ng Sahara Desert at napapaligiran ng mga bansang Mali, Algeria at Morocco.

            Ayon sa Inside Arabia- the voice of arab people, ang pagiging mabigat na babae ay larawan sa kanila ng “prestige and stature” sa lipunan. Ang mga babaeng slim ay kinokonsiderang kahihiyan ng pamilya.

            Dahil sa kahirapan at gutom na nararanasan ng mga tao dito, pumapayat ang marami sa babae kaya nasanay ang mga lalaki na makakita ng ganito at ang mga naging maganda sa paningin nila ay malulusog at may umbok sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

            Ito ang naging tradisyon ng mga tao sa paghahanap ng kanilang mapapangasawa kaya ang mga magulang ay obligadong patabain ang kanilang mga anak na babae na 5 taon hanggang 19 na taong gulang. Ang kulturang ito ay tinawag na “LEHBLOUH”.

            Ang Lehblouh ay nagsimula pa noong tinatayang 100 taon na ang nakakalipas sa isang ethnic group na tinatawag na “Moors”, ito ay grupong nabuo sa pinaghalong lahing arab at amazigh. Ang mga batang babae dito ay kinakailangang kumain ng 2 kilong cereal na may 2 basong butter at kailangang uminom pa ng 20 litro ng gatas ng kamelyo na mayaman sa fats araw araw para maabot nila ang 16,000 calories na kinakailangan.

            Pangarap ng mga magulang kasi sa lugar na ito na magkaroon ng maayos na mapapangasawa ang kanilang mga anak na babae sa hinaharap kaya gusto nila na magkaroon ang mga ito ng bilbil, malaking hita, stretch mark at may matabang leeg. Sa inaakalang mangyari ito, bata pa lang ay iniipit na ng kahoy ang kanilang kalamnan para raw mabilis humulma ang mga matatabang tissue.

            Pero ayon sa U.S. National Institute of Health, ang mga ganitong edad ay dapat 1,600 hanggang 2,000 calories lang ang nakukuha sa araw araw dahil magkakaroon ng sakit na obesity ang mga lalagpas dito na pwede pa magbunga ng iba’t ibang uri ng sakit.

            Noong 2003, pinahinto ang ganitong tradisyon ng kanilang gobyerno sa panguguna ng Mauritania’s Ministry of Women Affairs. Nagsagawa sila ng mga kampanya at pronouncement sa tulong ng tv commerials at news media para maipamulat sa mga babae ang healthy weight upang makaiwas sa mga sakit tulad ng diabetes, hypertension, heart disease at depression.

            Ayon kay Dr, Mohammed Ould Madene, isang emergency medicine specialist, ang isipang pagpapataba ay ikinamamatay ng public health nila. Siya ay naalarma sa dami ng mga nagkakasakit dahil sa obesity.

            Ang mga nagpatakbo ng fat farm sa Sahara dessert ay napilitang magsara dahil wala na raw babaeng gustong magpataba doon.

            Samantala, pinapangambahan ng ilang residente na bumalik ang kulturang ito dahil sa pamumuno ng mga military sa West Africa.

            Ayon sa ilang political scientist, hindi na daw maibabalik ang ganito dahil ang mga kababaihan ay lumalahok na sa sports at nanunuod na ng fashion.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad