Ang punong kinakatakutan sa buong mundo

            Tinaguriang pinakadelikadong puno sa buong mundo ang machineel tree.Ayon sa mga pagaaral, maaaring maglagay sa bingit ng kamatayan ang sinumang tao na lalapit lamang, hahawak sa puno at lalong lalo na sa kakain sa bungang ito dahil pinaniniwalaang ang buong puno nito ay nagtataglay ng malakas ng lason.

            Ang Machineel tree ay nabibilang sa Spurges na isang pamilya ng halaman na matatagpuan sa Carribean, US State ng Florida at Mexico, Central America at Northern part ng South America. Ang punong ito ay pwedeng lumaki ng 49ft or 15 meters na mayroong gray-brown na kulay at mayroong matingkad na berdeng dahon.

            Ayon sa mga eksperto, ang mga dagta niyo ay nakakapagbigay ng Bulluos Dermamtitis na nagiging sanhi ng pagtutubig at pamamaga ng balat habang ang mga bunga nito ay mabango ngunit ito ang pinakadelikadong parte na bahagi ng puno dahil ayon sa mga naitala, ang karamihan sa mga nakakain nito ay namamatay. Kapag ang isang tao ay nakakakain nito, magdudulot ito ng matinding pagsusuka at pagtatae.

            Ayon sa mga kasaysayan, ang puno diumano na ito ang ginagamit ng mga indigenous people sa carribean upang makagawa ng mga palaso na may kasamang lason kaya pinaniniwalaan na ito ang ginamit upang mapatay ang kilalang manlalayag noong unang panahon na si Juan Ponce de Leon.

            Ayon sa case study na ginawa ng isang travel medicine, ang paghawak lamang sa puno ay pwedeng makapagdulot ng mga pamamantal sa katawan kaya naman ngayon ay ipinagbabawal din ang paglapit dito dahil may mga kaso na hindi naman nagkaroon ng direktang paghawak sa puno pero nagkaroon pa din ng pamamantal, pagsusunog ng balat, at pangangati ng mata.

            Kung may masamang epekto, meron din kaya itong magandang naidudulot?

            Sinasabi na kapag ang mga bunga na ito ay natuyo, ang lason ay mawawala at maaaring magamit bilang diuretic o pampalakas ng ihi sa isang tao at maari ding makatulong umano para sa mga taong may high blood. Sa ibang bansa, meron ding manchineel gum na ginagamit para sa iba’t ibang uri ng sakit.

            Sa kapaligiran, ang mga puno ng manchineel ay nagbibigay ng proteksyon mula sa mga coastal erosion sa Central American beaches dahil karaniwang matatagpuan ito sa mga baybaying dagat. Para naman sa mga hayop, tanging native iguana lamang ang immune sa punong ito na kahit dumikit sa puno ay tila walang nagiging apekto sa kanya.

            Ayon pa sa mga eksperto, meron pang mga prutas, halaman at iba pang puno na dapat iwasan ng tao na maaring magpasanib sa buhay ng tao


Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad