Birthday Celebration ni Tito Sen sa Eat Bulaga

 

\

Ipinagdiwang ni Tito Sen ang kanyang kaarawan noong August 23, 2024, sa Eat Bulaga na mapapanood sa TV5. Dahil sa hilig ni Tito Sen na magpasagot sa Gimme5, nagbigay din ang show ng impormasyon tungkol sa limang paboritong musika niya.

Sinayaw ni Jose Manalo, Jose Wally at Paolo Ballesteros sa Barangay ang "Fun Fun Fun," habang itinanghal namin ni Allan K sa studio ang "Do You Love Me." Inawit naman ng Singing Queens ang "Don’t Worry Baby." Hindi rin nagpahuli ang AI family at sinayaw nila ang "I Can’t Help Myself," na kinagiliwan ng maraming Dabarkads.

Sa dulo ng production dance, lumabas sina Maine Mendoza, Atasha Muhlach, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, at Carren Eistrup. Umindak sila kasabay ng pagsayaw ng "Bang-Shang-A-Lang."

Sa pagpapatuloy pa ng Birthday celebration ni Tito Sen, nagbigay ng iba pang detalye ang mga tao na malalapit sa puso niya

1. Magician: Madalas na nagtatanghal si Tito Sen ng magic sa waiting room ng mga hosts ng Eat Bulaga. Isa sa mga nagpapatunay nito ay si Ryzza Mae Dizon.

2. Tiktoker at Content Creator: Kadalasang nakakasama si Tito Sen sa mga sayaw sa Tiktok.

3. Makulit na Dabarkads: Mahilig mag-prank si Tito Sen sa mga Dabarkads.

4. Father Figure: Ang pagiging ama ni Tito Sen ay lubos na nararamdaman ng lahat.

Marami ring nagpaabot ng pagbati kay Tito Sen mula sa iba’t ibang lugar at tao, sila ay mga sumusunod:

- Brgy. Mag-asawang Ilat, Tagaytay City

- Brgy. 812, Zone 88, Paco, Manila

- Brgy. Niog, Bacoor, Cavite City

- Gregorio Quadruplets

- Ang Sugod Bahay winner na sina Camila & Madisone Panaglima na tinulungan ni Tito Sen na makita ang kanilang tatay

- Brgy. 607, Zone 61, Bacood, Sta. Mesa, Manila

- Brgy. Arenas, Arayat, Pampanga

- Brgy. 472, Zone 47, Sampaloc, Manila

- Ang kaibigan ni Tito Sen na si Col. Kati Katigbak

- Ang Dear Eat Bulaga recipient na taga Bago City, Negros Occidental na si Jela Eniong

- Brgy. Sulucan, Bocaue, Bulacan

- Brgy. Rincon, Valenzuela City

- Eden Albios, Sugod Bahay winner

- Brgy. Buting, Pasig City

- Councilor Anna Aguila, San Jose, Batangas

- Senator JV Ejercito

- Senate President Chiz Escudero

- Former Senator Gringo Honasan

Nagbigay din ang Eat Bulaga ng dagdag na kaalaman tungkol kay Tito Sen:

1. World-Class Athlete: Pinatunayan ni Paeng Nepomuceno, 6-time World Bowling Champion at World Bowling Hall of Famer, na isang world-class athlete si Tito Sen. Naging coach din si Tito Sen ni Olivia “Bong” Coo, 4-time World Bowling Champion, at naging inspirasyon niya para maging Commissioner ng Philippine Sports Commission.

2. Mahusay na Musician: Ayon kay Homer Flores, isang musical director at composer, si Tito Sen ay isang mahusay na musikero. Marunong din si Tito Sen na malaman ang talento ng isang tao. Ito ay tumulong sa pagsikat nina Pops Fernandez, Sharon Cuneta, Freddie Aguilar, Rico J. Puno, at VS&TCompany.

3. Dedicated sa Trabaho at Staff: Ayon kay Cherry Estonilo, executive secretary ni Tito Sen sa loob ng 37 taon, mapagmahal siya sa kanyang trabaho at sa kanyang mga staff. Ito ay na sinang-ayunan din ng kanyang mga legislative staff.

4. Loving na Tatay at Lolo: Pinatunayan ng mga apo ni Tito Sen ang kanyang pagiging mapagmahal na tatay at lolo.

Nagtanghal din si Gian Sotto, Vice Mayor ng Quezon City, kasama ang kanyang anak. Nagpaabot din ng pagbati ang ibang anak at kapatid ni Tito Sen, at nagtanghal naman sa huli ang kanyang asawa na si Helen Gamboa, kasama ang ilang Dabarkads.



Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad